Ikaw, kaya mo kaya?
September 14, 2011.
It's been a long daaaay..
After all the process and everything..
Natapos din ang enrollment after 3 days! It feels so good to be back.. back to school =)
I left the school at around 4pm, i think.
Sa Pedro Gil na ko sumakay kasi nakakatamad sumakay ng jeep papuntang buendia.. napaka-init at napaka-mausok na talaga sa Maynila.
Habang kumakain ng sundae (MCDO), may biglang sumakay sa BUS at nagsalita..
Hindi naman siya nang holdap.. lalong hindi din siya kumanta at sumayaw ng pang Badjao na uso sa maynila o ano pero nag salita sya tungkol sa Mabuting balita.. mabuting balita galing sa ating Panginoon..
Habang nagsasalita siya, pinakikinggan ko lahat ng sinasabi niya at kung paano niya to sinimulan.. Naalala ko pa dati ng First time nating mga KKBs na mag soul win sa festival, nung nakahanap na kami ng target, lumapit kami sakanila, at sa una talaga, di ko alam kung paano ko/namin sisismulan.. as in.. Ngunit mabuti pa rin ang Diyos dahil lagi niya tayong sinasamahnan..
Anyway, balikan natin si kuya,
Habang nagsasalita siya, inoobserbahan ko yung mga taong nakasakay sa BUS, yung iba nakatingin sa bintana, tila napakalalim nang iniisip.. Meron naman dung mga englisherang eklavu na napakalakas mag kwentuhan.. Yung iba naman tulog at meron ding iba na nakikinig pero tila dedma lang lahat ng sinsabi ni kuya.
Habang nagsasalita siya, sumusulyap ako sakanya, hindi dahil gwapo siya pero nakikinig talaga ko..
Pagkatapos, sympre pag may ganun hindi naman mawawala ang offering.. At dahil feeling ko alam niyang nakikinig ako eh, ako yung una niyang binigyan ng envelope..
eto sample:
Life is short. Walang sinuman ang makakapagsabi kung hanggang kelan ka mabubuhay sa mundong to.
Kung minsan nga eh, maiisip mo na lang bigla na sayang dahil habang may pagkakaton ka eh hindi mo ito nagawa..